Halos 100 OFWs ang hindi pa nakakatanggap ng balikbayan boxes mula Dubai noong nakaraang taon. Isang OFW ang nagpahayag ng pagkadismaya.

Ang OFW ay pinapabayaran ng P4,500 para mai-release ang kanyang 3 balikbayan boxes sa cargo forwarding company sa Las Piñas.

Ayon sa kompanya, hindi na nila ma-contact ang logistics company sa Dubai, at biglaang nagsara ang shipping company doon. Sila ang nagtatake ngayon ng processing fees pagdating ng boxes sa Pilipinas.

Ang kaibigan ng OFW ay nag-aalala dahil hindi na ma-contact ang nagpi-pick up ng boxes sa Dubai. Dati, isang tawag lang ay agad sumasagot sila.


Editor: Nis Hye